Tutol ang National Federation of Hog Raisers Incorporated o NFHRI sa desisyon Philippine Association of Meat Processors Incorporated o PAMPI na gumamit lamang ng mga imported pork sa kanilang mga produkto bilang raw materials.
Ayon kay NFHRI Chairman at President Chester Warren Tan, mas ligtas ang mga lokal na karneng baboy kumpara sa imported.
Aniya, mahirap na kung bibili ng mga karneng baboy mula sa mga bansang apektado ng ASF o African Swine Fever.
Dagdag ni Tan, wala na rin aniyang napapaulat na bagong kaso ng ASF sa bansa simula noong nakaraang linggo.
Samantala, binalewa naman ng Department of Agriculture ang pahayag ng PAMPI na hindi muna bibili ng karneng baboy mula sa local source.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, may karapatan ang PAMPI na pumili kung saan bibili ng kanilang gagamiting raw materials basta’t hindi magmumula sa mga bansang apektado rin ng ASF.