Bawal na ang indibiduwal at bahay-bahay na paggamit ng mga paputok o pa-ilaw sa pagsalubong sa bagong taon sa buong National Capital Region.
Batay ito sa inilabas na joint resolution ng Metro Manila Council kung saan napagkasunduan ng lahat ng lokal na pamahalaan sa ncr na mahigpit na ipatupad ang firecracker ban.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, layunin ng resolusyon na mapigilan ang lalung pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng mga pagtitipon dahil sa pagpapaputok.
Gayundin aniya ang maiwasan ang ibang pang panganib na maidudulot ng mga paputok sa kalusugan.
Binigyang diin ni Garcia, mas lalung magiging mabigat ang tungkulin ng mga ospital kung magiging abala rin ang mga ito sa pagtugon sa mga naputukan habang marami pa ang mga pasyenteng may COVID-19.
Ani Garcia, maaaring maibenta pa rin ang mga ligal na paputok pero hindi naman aniya ito magagamit dahil sa ipinalabas na resolusyon ng MMC.