Hindi lubusang ipinagbabawal ng pamahalaan ang paggamit ng paputok sa bagong taon.
Ito ang paglilinaw ni PNP-FEO o Philippine National Police – Firearms and Explosives Office acting Chief Supt. Roland Vilela.
Ayon kay Vilela layon lamang ng nilagdaang Executive Order no 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-regulate ang paggamit ng mga paputok.
Sa ilalim nito, ay dapat magkaroon ng lugar o “community fireworks display area” ang isang lokal na pamahalaan kung saan ligtas na makakapagpaputok ang mga residente.
May mga ipinagbabawal din na paputok kung saan kabilang dito ang Super Lolo, whistle bomb, goodbye Earth, atomic big triangulo, Piccolo, Judas belt at watusi.
Maaari namang gumamit ng mga pailaw tulad ng Lusis, Fountain at Roman candle.