Inihayag ng World Health Organization (WHO) na i-e-endorso na ang paggamit ng Paxlovid na isang oral COVID-19 antiviral treatment ng Pfizer para sa mga pasyenteng high-risk.
Ayon sa WHO, sa kanilang isinagawang dalawang clinical trial sa paggamit ng Paxlovid, nabawasan nito ng 85% ang halos 3,100 pasyente na ma-ospital.
Ang Paxlovid ay kombinasyon ng Nir-Mat-Relvir at Ri-To-Na-Vir kung saan ito ang pinakamahusay na gamot para maagapan ang paglala ng sakit na mayroong mild symptoms.
Sinabi naman ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroon pa ring ongoing discussions sa pagitan ng Pilipinas at Pfizer para sa pagbili ng Paxlovid.