Iimbestigahan ng Philippine National Police ang umano’y ginagawang pamemeke ng ilang mga pulis ng kanilang accomplishment o credentials para ma-promote.
Kasunod ito ng pahayag ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers at ng National Police Commission na depektibo ang sistema ng PNP pagdating sa promosyon at performance rating ng mga anti-drug police operatives.
Tiniyak naman ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr., na kanilang sisiyasatin at aalamin ang katotohanan sa naturang usapin.
Makikipag-ugnayan din ang pambansang pulisya sa NAPOLCOM kaugnay sa sinasabing mga pekeng accomplishment report.