Inaprubahan na ng drug regulator ng European Union ang paggamit ng Pfizer at Moderna vaccines laban sa Omicron variant ng COVID-19.
Ayon sa European Medicines Agency (EMA), target ng naturang bakuna ang BA.1 subvariant ng Omicron na unang nadiskubre sa China.
Dagdag pa ng EMA, maaari na itong iturok sa mga batang edad 12 pataas na nakatanggap na ng primary vaccination laban sa naturang virus.
Kaugnay nito, pinahintulutan na rin ng Canada ang pagibibigay ng updated Moderna COVID-19 booster shot na sinasabing nakakapagbigay ng mas mahusay na proteksyon laban sa virus. —sa panulat ni Hannah Oledan