Maaari nang gamitin ang Pfizer-Biontech Covid-19 vaccine sa mga bata na edad 5 hanggang 11 taong gulang .
Ito’y matapos payagan ng US Food and Drug Administration ang EUA o Emergency Use Authorization kung saan ibinase sa naging datos mula sa ilang independent advisory committee experts na bumoto para magamit ang nasabing bakuna sa mga bata.
Ang nasabing desisyon ay lumabas kasunod ng pagpupulong ng FDA advisors kung saan nirekomenda ang pagpayag na bakunahan ang nasabing brand ang mga bata.
Ito ang unang Covid-19 vaccine na inaprubahan para sa emergency use sa Estados Unidos sa mga bata mula 5 hanggang 11 taong gulang.
Ang Pfizer-Biontech vaccine para sa mga bata mula 5 hanggang 11 taon ay ituturok nang 2 beses, na may 3 linggong pagitan, ngunit sa mas mababang dose na 10 micrograms kumpara sa 30 micrograms na ibinabakuna sa mga indibidwal edad 12 pataas.