Isinusulong ni Congressman Alfredo Garbin Jr. ang paggamit ng QR codes para matukoy ang mga pasaherong sumasakay sa mga pampublikong sasakyan kapag uubra nang mag-operate ang mga ito.
Kasunod na rin ito nang isinusulong ng LTFRB na pag-obliga sa PUV’s na magkaroon ng manipesto para magkaroon ng record ng kanilang mga pasahero kaugnay sa posibleng contact tracing sa gitna pa rin ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Garbin na ang handwritten passenger manifest ay magiging pahirap sa kapwa driver at commuter, at posibleng ma-expose sa identity theft, stalking at iba pang paglabag sa privacy.
Ayon pa kay Garbin, pinaka-epektibong solusyon para sa PUV ay magkaroon ng unique QR code o iba oang code na maaaring i-scan kung sasakay o bababa ng pampublikong sasakyan.