Ikinukunsidera na ng Department of Transportation na gumamit ng Q.R. codes, A.T.M. at credit cards o cellphones bilang alternatibo sa beep cards o stored-value cards para sa cashless fare payments sa mga tren at iba pang public transportation.
Ito, ayon kay Transportation Undersecretary Timothy John Batan, ay bilang tugon sa global shortage ng microchips na ginagamit para sa mga nasabing card.
Maglulunsad anya sila ng Fare Collection National Standards nangangahulugan na maliban sa beep card ay maaari na ring magkaroon ng ibang payment technology sa mga tren, bus at mga jeepney, gaya ng QR code at ATM o credit card na pwedeng ipambayad sa pasahe.
Bukod pa ito sa ikakasang near field communication system para naman sa mga Smartwatch o mga cellphone na puwede na ring gamitin bilang payment mode sa transportasyon.
Nilinaw naman ni batan na maaari pa ring gamitin ng mga commuter ang kanilang beep cards.