Iminungkahi ni AKO Bicol Partylist Representative Elizaldy Co ang paggamit sa renewable energy na magtitiyak ng mahusay na paggamit ng tubig at magpapahusay sa produktibidad ng pananim.
Ngayong inanunsyo na ng pagasa ang pagsisimula ng El Niño, napakahalaga aniya na gumawa tayo ng mga hakbang upang matugunan ang mga masamang epekto ng el niño lalo na sa sektor ng agrikultura.
Isa sa itinutulak nito ang paggamit ng solar powered water supply system lalo na para sa mga malalayong lugar.
Subok na aniya nila sa bicol ang solar powered water supply system sa pagbibigay ng malinis na tubig lalo na sa mga lugar na nangangailangan ng stable na supply.
Naniniwala ang kinatawan na maliban sa tamang paggamit at pamamahala sa water resources ay kailangan din sumubok ng mga makabagong teknolohiya para matiyak ang kahandaan sa pagtugon ng bansa sa epekto ng El Niño.
Matatandaang, inanunsyo ng pagasa na hindi pa nararamdaman ng bansa ang buong epekto ng El Niño, na posibleng magpapatuloy hanggang sa unang quarter ng 2024.