Itataas ng gobyerno sa 2.5% mula sa 1% ang paggamit ng renewable energy sa bansa.
Ito ay sa bisa ng department circular no. 2022-09-0030 ng Department of Energy (DOE).
Ayon kay Press Secretary Attorney Trixie Cruz-Angeles, kaugnay ito sa proyekto ng Marcos Jr. administration na makapagbigay ng sapat at malinis na enerhiya.
Nabatid na ang naturang hakbang ay kabilang sa Renewable Portfolio Standards (RPS) na magpapataas sa paggamit ng renewable energy tulad ng solar, wind at hydro energy na pwedeng gamitin bilang suplay ng kuryente.