Propaganda lamang ng mga kritiko ng administrasyong Duterte ang paggamit ng salitang EJK’s o extra judicial killings sa ilang mga napapatay sa war on drugs.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Generel Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kasabay ng paggigiit na binabago ng mga kritiko ang totoong depinisyon ng EJK.
Ayon kay Dela Rosa, batay sa Administrative Order No. 35 na nilagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino, maituturing lang na EJK ang isang kaso kung ang biktima ay miyembro ng media o aktibista mula sa mga cause oriented group na pinatay ng mga otoridad.
Giit ni Dela Rosa ang nasabing depinisyon ang ginagamit ngayon ng PNP kaya kanilang pinaninindigang walang EJK sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Pinipilit ‘yung EJK. Why? Because, these critics want to arose the sentiment of the public to go against the government. It’s very obvious.
Sabihin nila na propaganda lang ninyo na walang EJK, bakit ‘yung pag-label nila as EJK hindi ba propaganda?