Aprubado na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) ang rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) hinggil sa bakuna kontra COVID-19 na likha ng Sinovac.
Kaugnay ito ng paggamit ng naturang Anti-COVID-19 vaccine sa mga health workers sa bansa, sa kabila ng mababang efficacy rate nito na 50.4%.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, napagkasunduan ng mga eksperto mula sa NITAG at technical working group ng DOH na makatutulong pa rin sa mga health workers ang Sinovac vaccine.
Maituturing na aniyang sapat ang bisa nito para magamit sa mga healthcare workers.