Maari nang magamit sa Pediatric Vaccination Drive ang Sinovac COVID-19 vaccine para sa edad 6 hanggang 17.
Ito’y matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) para sa naturang bakuna sa tulong narin ng IP Biotech Group.
Ang IP Biotech Group ay isang pharmaceutical consortium na namamahala at nagpapabilis sa pagdating ng Sinovac na binili ng pribadong sektor sa Pilipinas.
Nabatid na sa isinagawang pag-aaral sa Chile, natuklasan na nasa 74% ang bisa ng Sinovac sa 1.9M mga batang edad 6 hanggang 17.
Pinipigilan din nito ang pagkaka-ospital ng 90% ng mga bata na nabakunahan ng Sinovac, ngunit nagkaroon pa rin ng breakthrough infection, pero 100% rito ang nakaiwas sa pagpapaospital sa Intensive Care Unit at pagkasawi.
Kabilang din sa mga bansang gumagamit ng Sinovac sa kanilang pagbabakuna sa mga bata ay ang Indonesia, Malaysia, at China.
Ang pagdaragdag ng Sinovac bilang bahagi ng Pediatric Vaccination Program ay makakatulong para makamit ang layuning ma-inoculate ang 39M mga bata sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero