Naghihigpit na sa paggamit ng social media ang Myanmar kasunod ng kudeta sa nasabing bansa.
Ito’y makaraang makumpirma na hindi na maaaring gamitin o “blocked” na sa kanilang bansa ang Twitter.
Matatandaang dinampot ang lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi at iba pang senior leaders makaraang i-takeover ng militar ang pamahalaan.
Patuloy namang lumalawak ang kilos-protesta sa lugar na kinabibilangan ng mga guro at mga estudyante.
Samantala, nanawagan si UN Secretary General Antonio Guterres sa deputy military commander ng Myanmar na ibalik sa civilian government ang inagaw nilang kapangyarihan.