Idinepensa ni National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Oscar Albayalde ang paggamit nila ng LRAD o Long Range Acoustic Device sa mga raliyista kahapon.
Ito ang isa sa mga instrumento ng pulisya na naglalabas ng napakaingay na tunog para hindi maging kumportable ang mga nagpo-protesta.
Ayon kay Albayalde non-fatal o hindi naman nakamamatay ang LRAD at matagal na rin itong ginagamit ng mga riot police sa mga nakalipas na taon.
Samantala, inanunsyo rin ni Albayalde na nagdagdag sila ng 1,000 tauhan ngayong araw na hinugot mula SAF at region 4-A para humarap sa mga magpo-protesta.
Hindi naman aniya nila inaasahang dadami ang bilang ng mga raliyista ngayong araw.
Pero pagtitiyak lang ito sakaling magpumilit pa rin ang mga militante na lumapit sa CCP Complex.
LOOK: Ang inirereklamong nakakabinging sonic device na ginamit ng PNP laban sa mga nag-rally kontra #ASEANSummit | via @JILLRESONTOCpic.twitter.com/fv4SyhFsMm
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 14, 2017
—-