Hiniling ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN na imbestigahan ang paggamit ng mga pulis ng sonic weapon na LRAD o Long Range Acoustic Device.
Ito’y para itaboy sa mga nagsagawa ng mga pagkilos kaalinsabay ng pagbubukas ng ika-31 ASEAN Summit and Related Meetings kahapon.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, hindi makatao ang paggamit ng naturang device lalo’t nakasasama ito sa sistema ng isang indibiduwal dahil sa ingay na nililikha nito.
Para naman kay BAYAN Southern Tagalog Spokesman Peti Bautista, patunay lamang na hindi tumatanggap ng kritisismo ang administrasyong Duterte at ipinakita lamang nito ang mapanikil na rehimen nito.
—-