Isinusulong ng pamahalaan ang paggamit ng speed limiter para sa malalaking sasakyan tulad ng mga bus at trak.
Ito’y matapos matalakay sa pagdinig sa Senado ang mahalagang responsibilidad ng ahensya na tiyakin ang kaligtasan ng mga sasakyan sa lansangan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Transportation Undersecretary Jesus Ferdinand ‘Andy’ Ortega na nakatakdang ipatupad ang mga hakbang upang masigurong roadworthy ang mga sasakyan, sa ilalim ng pangangasiwa ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Dagdag pa ni Usec. Ortega, ang mga speed limiter ang maglalagay ng limitasyon sa bilis ng mga sasakyan, na hindi dapat lalampas ng 80 kilometro bawat oras. - mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)