Hinikayat ng Malakaniyang ang publiko na i-download at gamitin ang contact tracing application ng pamahalaan na staysafe.ph.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, layon aniya ng nasabing application na mapabuti at mapahusay ang contact tracing capability ng pamahalaan.
Ang staysafe.ph ay isang commuinity driven contact tracing, health condition reporting at social distancing system na binuo sa pamamagitan ng ugnayan ng Inter-Agency Task Force (IATF), National Task Force against COVID-19 at Multisys Technologies Corporation.
Sa pamamagitan nito ani Roque, maaaring i-ulat ng isang indibiduwal ang kaniyang health condition at makatutulong ito sa contact tracing efforts ng gobyerno.
Pagtitiyak naman ng Multisys Technologies sa mga Pilipino, ligtas gamitin ang nasabing application taliwas sa pangamba ng marami na posible itong magamit sa surveillance o paniniktik.