Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa pubiko laban sa paggamit ng mga herbal at food supplements na tawa-tawa na sinasabing nakatutulong laban sa dengue.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi dapat na bumili ng ganitong mga produkto lalo na kung hindi ito rehistrado sa Food and Drugs Administration (FDA).
Hinikayat ang publiko na maging mapanuri sa mga gamot at food supplements na gagamitin at agad na isumbong sa FDA sakaling mayroong makitang hindi otorisadong nagbebenta ng naturang mga gamot.
Sa huli, binigyang diin ni Duque na 99.6% ng mga tinatamaan ng dengue ay nakakarecover mula sa sakit at maliit na porsyento lamang ang namamatay dahil dito.