Pansamantalang ipatitigil ng food processing firm na San Marino ang paggamit ng isdang tawilis sa kanilang premium tawilis product.
Ito’y bilang bahagi ng suporta upang mapanatili at maprotektahan ang naturang isda na una nang idineklarang endangered.
Ayon sa San Marino, tinanggal na nila sa mga pamilihan ang canned at bottled premium tawilis.
Ang nabanggit na canned fish producer ay bahagi ng food processing firm na CDO Foodsphere Incorporated.
Magugunitang nagpatupad ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng ban sa panghuhuli ng tawilis o sardinella tawilis na matatagpuan lamang sa taal lake.