Nakakaalarma na di umano ang pagdami ng insidente ng holdapan at panggagahasa na ang itinuturong suspect ay taxi driver.
Ayon kay Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Board Member Ariel Inton, pang-apat na ng ganitong insidente ang napaulat na di umano’y pang-hoholdap ng taxi driver sa kanyang pasahero kamakailan.
Gayunman, sinabi ni Inton na batay sa kanilang imbestigasyon, hindi naman ang mga taxi driver ang suspect dahil maging sila ay biktima rin ng mga carnapper at holdaper.
Bahagi ng pahayag ni LTFRB Board Member Ariel Inton
Ayon kay Inton, sa ngayon ay sobrang pag-iingat pa lamang ang puede nilang maipayo sa mga sumasakay ng taxi.
Sa pinakahuling insidente anya ng holdapan sa taxi, natuklasan na may tao pang nakatago sa compartment ng taxi kayat kung puede ay pabuksan rin ang compartment bago sumakay lalo na kung alanganin na ang oras.
Bahagi ng pahayag ni LTFRB Board Member Ariel Inton
By Len Aguirre | Ratsada Balita