Suportado ng department of health (DOH) ang paggamit ng torotot o mga pampaingay sa pagsalubong sa bagong taon sa kabila ng umiiral na bagong subvariant ng COVID-19.
Sa nakalipas na dalawang taon ay pinayuhan ng DOH Ang publiko na iwasan ang paggamit ng torotot upang maiwasan ang hawaan at pagkalat ng naturang sakit.
Gayunman, nilinaw ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na iba na ang sitwasyon ngayon at mas marami nang Pilipino ang bakunado kontra COVID-19.
Ipina-alala naman ni Vergeire na iwasan lamang ang mag-share o maghiraman ng torotot para iwas hawaan ng sakit.
Paalala naman ng ecowaste coalition sa mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak, partikular ang mga bata sa paggamit ng mga pampaingay tulad ng torotot. – sa panulat ni Hannah Oledan