Maliban sa pagpapaputok, ngayon ay pinaiiwas na rin ng Department of Health (DOH) ang publiko sa paggamit ng torotot sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, nariyan kasi ang tyansa ng pagkalat ng COVID-19.
Posible kasi umanong hindi maiwasan ang paghihiraman o madampot at magamit ng iba ang torotot na ginamit na rin ng iba.
Dahil dito payo ni Duque, mas mainam na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay gaya ng tambol at pagbusina ng mga sasakyan.