Pinayuhan ng Department of Health ang publiko, lalo ang mga magulang na huwag paggamitin ng torotot ang kanilang mga anak sa pagsalubong sa taong 2021 sa gitna ng banta ng COVID-19 Omicron variant.
Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaaring makakuha ng sakit sa paggamit ng torotot, pito at iba pang laruang ginagamitan ng bibig.
Gumamit na lamang anya ng mga alternatibong pampaingay gaya ng pagpapatugtog ng mga speaker o radyo upang makaiwas sa disgrasya o hawaan ng sakit.
Magugunitang pinaiwas din ng DOH ang publiko sa paggamit ng torotot noong isang taon kaya’t nagbenta na lamang ang mga tindero sa divisoria ng bersyon ng nasabing laruan na gumagamit ng air pump. —sa panulat ni Drew Nacino