Nagpa-alala ang Department Of Transportation (DOTR) sa lahat ng pasahero ng paliparan na mag-download sa cellphone at mag-register ng account sa Traze contact tracing app.
Ang naturang application ay isang Unified Contact Tracing App na na-develop ng Philippine Ports Authority at Cosmotech Philippines Inc.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mas bibilis ang contact tracing ng gobyerno kumpara sa mano-manong proseso.
Tiniyak naman ng DOTR na nasusunod nito ang Data Privacy Act o Republic Act No. 10173 kaya’t makasisigurong ligtas ang mga impormasyon kanilang nakakalap.