Ipinag-utos ng IATF sa lahat ng establishment na i-adopt ang stay safe application at QR code nito para ma-consolidate o mapag-isa ang data sa kung sino ang mga nakasalamuha ng mga COVID-19 patients.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay kasunod na rin nang pag-apruba ng IATF sa rekomendasyon ng Office of the Cabinet Secretariat na magpatupad ng safety seal certification program bukod pa sa stay safe DOTph.
Sinabi ni Roque na dapat mai-paskil sa lahat ng entrance ng establishments tulad ng government offices, private companies, hotels at business establishments at public transportation units ang stay safety application at QR code nito.
Ayon kay testing Czar Vince Dizon ang stay safe app na libreng mada-download at hindi kailangang magkaroon ng load para gumana ay magagamit ng users kung saan kukunan lamang ng litrato ang QR codes sa mga mall, banks, restaurants, trains at buses sa halip na manual na magsulat sa mga contact tracing sheets.