Walang patunay mula sa mga eksperto na magagamit ang vape para makawala sa paninigarilyo.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, wala namang bansang pumayag na irehistro ang vape bilang smoking cessation device.
Sinabi ni Domingo na bagamat sinasabing mas mapanganib pa rin ang sigarilyo kumpara sa vape, pinakaligtas pa ring gawin ay huwag nang gumamit ng kahit alinman sa dalawang ito.
Una rito, ipinag-utos ng pangulo ang pagbabawal sa paggamit ng vape sa harap ng report na isang dalagita mula sa Visayas na gumagamit ng vape ang nagkaroon ng lung injury.