Pinag-aaralan ng Department of Science and Technology (DOST) ang paggamit ng virgin coconut oil bilang food supplement sa mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy ang ginagawang pag-aaral ng mga eskperto sa medisina at siyensya para makahanap ng angkop na lunas sa COVID-19.
Kabilang din aniya sa pinag-aaralan ngayon na posibleng gamot sa COVID-19 ay ang arthritis drug na Tocilizumab at Japanese Influenza Anti-Viral Favipiravir.
Nakapaloob na umano ito sa guidelines sa ating guidelines para sa clinical management na ginagawa ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Disease.