Maghihigpit na ang Land Transportation Office o LTO sa paggamit ng mga lumang sasakyan sa kalsada.
Magiging apektibo sa Abril 17 ang administrative order na kapwa nilagdaan nina LTO Chief Roberto Cabrera at Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya.
Sa ilalim ng nasabing kautusan, obligado pa rin ang mga motorista na i-rehistro ang kanilang mga vintage car.
Gayunman, papayagan lamang ang mga lumang sasakyan na bumiyahe tuwing weekend at holiday.
Ayon sa LTO, pwede ring lumahok ang mga ito sa mga event gaya ng vintage car club activities, exhibits, tours, parades at iba pa na may permiso mula sa LTO.
Itinuturing na vintage vehicles ang mga sasakyan na ginawa 40 taon na ang nakararaan.
By Jelbert Perdez