Positibo ang naging resulta sa isinagawang clinical trials sa virgin coconut oil at lagundi bilang gamot kontra COVID-19.
Ito ay ayon kay Jaime Montoya, Executive Director ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development.
Sinabi ni Montoya na naging maganda ang resulta matapos gamitin panggamot ang virgin coconut oil at lagundi sa mga pasyenteng nakararanas ng mild at moderate symptoms ng COVID-19.
Ibinahagi ito ni Montoya makaraang kamustahin ni Sen. Francis Tolentino ang potensyal ng purong langis ng niyog at lagundi sa paglaban sa virus.
Kabilang si Montoya sa humarap sa pagdinig ng Senate Finance Subcomittee “J” sa hinihinging dagdag pondo ng DOST para sa susunod na taon.
Samantala, umaasa si Montoya na matatapos ang clinical trials ng paggamit ng tawa-tawa sa mga pasyente na may COVID-19 sa susunod na buwan.