Nanindigan ang kampo ni Vice President Jejomar Binay na hindi maaaring gamitin ni Ombudsman Conchita Carpio – Morales ang pondo ng kanyang tanggapan upang idipensa ang sarili.
Kaugnay ito sa P200 million peso-damage suit na isinampa laban dito ng Bise Presidente dahil sa mga mapanirang report.
Iginiit ni Atty. Claro Certeza, abogado ni Binay na kapag napatunayang ginagamit ni Morales ang pondo ng pamahalaan para sa sariling kapakanan ay maaari itong mahatulan ng guilty sa kasong graft and corruption.
Binigyang diin ni Certeza na nakapaloob sa batas na ang pondo ng Office of the Ombudsman ay para sa tanggapan at hindi maaaring gamitin sa mga personal na kaso.
By Katrina Valle | Allan Francisco