Iminugkahi ni House Deputy Speaker at Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab na gamitin ang natitirang quick response fund (QRF) mula sa iba’t ibang departamento at ahensya ng pamahalaan upang idagdag sa 10 bilyong pisong pondo para sa mga biktima ng bagyong Odette.
Kabilang dito ang Office of the Secretary ng Department of Agriculture (DA), DOH, DSWD at DPWH.
Gayundin ang DepEd, DILG-BFP, DILG-BJMP at DND-OCD.
Aniya, ang perang maaaring makuha mula sa mga QRF ay pwedeng gamiting para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Bukod pa rito, inirekomenda rin ng mambabatas na gamitin ng pangulo ang anumang natitirang pondo mula sa calamity fund, sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act.
Matatandaang batay sa ulat ng Department of Budget and Management (DBM), mayroong pang dalawang bilyong pisong pondo mula sa calamity fund ng bansa. —sa ulat ni Tina Nolasco (panulat ni Airiam Sancho