Hiniling ni Quezon City Representative Precious Hipolito-Castelo sa pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na gamitin ang mga pribadong subdibisyon para sa vaccination o pagbabakuna ng mga residente nito.
Ayon kay Castelo, sa ganitong paraan ay mababawasan ang siksikan ng mga indibidwal na pupunta sa iba’t-ibang mga vaccination sites.
Giit ni Castelo na marami ang natatakot sa pagpunta sa mga vaccination sites dahil sa dagsa ng mga tao rito.
Bukod dito, nais din ni Castelo na payagan ang mga walk-ins dahil marami aniya ang walang mga internet connection o kaya’y gadget para mabisita ang online registration.
Sa huli, iginiit ni Castelo na napakahalagang mailapit ng pamahalaan sa sambayanan ang mga serbisyo nito.