Nabawasan ng 60% hanggang 90% ng panganib sa coronavirus ang paggamit sa coconut at virgin coconut oil.
Ito ayon sa Department of Science and Technology (DOST) ang isa sa mga resulta ng pag aaral na pinondohan ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) at pinanungunahan ng Ateneo de Manila University hinggil sa anti-viral effects ng coconut oil compounds.
Sinabi ng researchers na na obserbahan nilang ang mga nasabing compound ay nakatulong sa pagpapalakas ng cell survival.
Gayunman inihayag ng researchers na kailangan pa ang mas maraming experiment para makita kung ang mas mataas na concentration ng coconut oil compound ay makapagpapababa sa replication rate ng virus na nagdudulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inihayag ni PCHRD Chief Dr Jaime Montoya na nakapagbibigay ng malaking pagasa ang nasabing resulta dahil hindi lamang nito ipinapakita na ang VCO ay makakabuwag sa virus kundi mayruon din itong pangunahing mekanismo para sa pag-regulate ng immune response laban sa COVID-19.
Binigyang diin naman ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na mayrung alternatibong solusyon laban sa COVID-19 maliban sa bakuna bagama’t kailangang magkaruon ng imbestigasyon sa posibleng prevention o treatment option misyon nilang mabigyan ng pag asa ang mga Pilipino sa pamamagitan ng patuloy na local research initiatives.