Nagbanta ang anak ng Al Qaeda leader na si Osama bin Laden na muling aatake ang militanteng grupo sa Estados Unidos.
Ipinangako ni Hamza bin Laden na kanyang ipaghihiganti ang kanyang ama at ang Al Qaeda laban sa US at mga kaalyadong bansa nito.
Ayon sa Site Intelligence Group, ginawa ni Hamza ang kanyang anunsyo sa kanyang 21-minute speech na may title “We Are All Osama.”
Aniya, ipagpapatuloy nila ang pag-atake sa Amerika at mga bansang kaalyado nito sa patuloy na pang-aaping ginagawa sa mga mamamayan ng Palestine, Afghanistan, Syria, Iraq, Yemen, Somalia at iba pang bansang Muslim.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Reuters