Bantay sarado ng House Committee on Appropriations ang gagawing paggasta ng pamahalaan sa P4.5 trilyong pambansang budget ngayong taon.
Ayon kay Committee Chairman at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap, gagamitin ng komite ang oversight function nito para tiyaking nagagastos ng tama ang pambansang pondo.
Paliwanag ng mambabatas, hindi natatapos sa pagpapasa ng budget ang trabaho ng Kongreso.
Kaya’t maka-aasa ang publiko na direktang makararating sa taumbayan ang bawat sentimos na nakasaad sa pambansang pondo.