Nakakatulong sa ekonomiya ng bansa ang pagiging romantic ng mga Pilipino na kadalasang lumalabas kapag Valentine’s Day.
Paniniwala ito ng ilang ekonomista na nagsabi ring natatapatan na ng Valentine’s Day spending ng mga Pilipino ang halaga ng mga ginastos nuong nakalipas na Pasko.
Ipinabatid ng mga ekonomista na batay sa pre-pandemic data, ang middle income market ay binubuo ng 15 milyon katao kung saan 30% ay inaasahang gagastos ng nasa average na 2,000 pesos para lamang sa Valentine’s Day o nasa kabuuang 9 trillion pesos.
Dahil sa global health crisis, sinabi ng mga ekonomista na mas nakikita nilang gagastos ang mga Pinoy sa pagbili ng tsokolate at bulaklak kaysa kumain sa hotels at restaurants bagamat bumababa ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID 19.