Muling inihain ng Makabayan Bloc sa kongreso ang panukalang-batas na maggagawad ng 25 taong prangkisa sa ABS-CBN.
Sa ilalim ng House Bill 1218 na inihain nina Representatives France Castro, Arlene Bross at Raoul Danniel Manuel, ipinanukalang bigyan na nang prangkisa ang giant broadcast network matapos mawala sa ere noong 2020.
Nakasaad naman sa panukala na isang hamon sa Kongreso ang resolusyon para protektahan ang kalayaan at demokrasya ng bansa.
Isa lamang ang ABS-CBN franchise sa panukalang inihain sa 19th Congress.
July 2020, unang ibinasura ng kamara ang panukalang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN matapos tumutol ang mahigit 70 mambabatas.