Kinuwestiyon ng isang grupo ang pagpapalabas ng environmental compliance certificate (ECC) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa Kaliwa Dam project.
Ayon sa NOtoNCWS o Network Opposed to Kaliwa, Kanan and Laiban Dams Comprising the New Centennial Water Source, kanilang ikinababahala ang naging pasiya ng DENR.
Iginiit ng grupo, posibleng magresulta ang nasabing proyekto sa pagkasira sa kalikasan at nakapaligid na komunidad nito.
Sa ilalim anila ng National Integrated Protected Areas System law, idineklara bilang protected area ang lugar na pagtatayuan ng Kaliwa Dam.
Una nang ipinangako ng DENR na kanilang tututukan ang implementasyon ng Kaliwa Dam project kasabay ng pagbibigay ng ECC para dito.