Inaprubahan na ng Pangulong Benigno Aquino III ang rekomendasyon ng NAPOLCOM o National Police Commission na gawaran ng medal of valor ang 2 miyembro ng SAF 44 na nasawi sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao, halos isang taon na ang nakararaan.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Ricardo Marquez, igagawad ng pangulo ang medal of valor o ang pinakamataas na parangal kina Senior Inspector Gednat Tabdi at Police Officer 2 Romeo Cempron.
Gaganapin ang pagbibigay parangal sa Kampo Krame sa Lunes, Enero 25 kasabay ng paggunita sa isang taong anibersaryo ng Oplan Exodus.
Sa Lunes din ipagdiriwang ang ika-25 anibersaryo ng Philippine National Police.
By Jonathan Andal