Sinimulan nang gibain ang Tandang Sora flyover sa Quezon City.
Kahapon, nagsimula ang pagbakbak sa gitnang bahagi ng ibabaw ng nasabing tulay.
Naka-pwesto na rin sa Tandang Sora flyover ang mga heavy equipment at mga tauhan ng contractor ng MRT 7.
Naglagay na rin ng mga scaffolding at trapal sa magkabilang gilid ng flyover para hindi na makita ng publiko ang ginagawang paggiba rito.
Ang paggiba sa Tandang Sora flyover ay para magbigay daan sa konstruksyon ng MRT 7.