Patay ang 12 katao matapos gumuho ang isang shoe factory sa eastern China habang 33 katao naman ang nasugatan, 4 dito ang nasa malubhang kalagayan.
Masuwerte namang nakaligtas ang mahigit 40 empleyado ng gumuhong factory ng mga sapatos.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang dahilan ng pag-collapse ng naturang shoe factory.
By Mariboy Ysibido