Pina-i-imbestigahan na ni Pangulong Rodrigo dDterte ang pagguho ng Sogo Hotel sa Maynila na ikinasawi ng dalawang construction workers.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat makipag ugnayan ang mga kinauukulan sa Manila City Government partikular na sa Manila City Engineering Office para sa imbestigasyon.
Ikinalungkot aniya ng pangulo ang nasabing insidente.