Inihayag ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang kahandaan nito para sa nalalapit na ika-500 taon ng Kristyanismo sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Monseignor Bernard Pantin, secretary general ng CBCP na maituturing na makasaysayan ang pagdating ng Kristyanismo sa Pilipinas.
Bilang paggunita ng anibersaryo ng Kristyanismo sa bansa, magdaraos ng misa sa Vatican na siyang pangungunahan ni Pope Francis bukas, ika-14 ng Marso.
Makikibahagi rin ang isang barko ng España na Juan Sebastian El Cano–na siyang iikot sa mga lugar na napuntahan ni Ferdinand Magellan bago nito ipakalat ang Kristyanismo sa Cebu.
Matapos nito, dadaong ang barkong ito sa Suluan, Homonhon Islands, Guian sa Samar mula 16 hanggang ika-18 ng Marso.
Habang sa marso 20 hanggang 22 ito titigil sa Cebu.