‘Generally peaceful’ o naging mapayapa ang paggunita ng publiko sa pagsalubong sa Kapaskuhan.
Ito ang naging pagtataya ng liderato ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Sa mensahe ni PNP Chief, Police General Debold Sinas, pinasalamatan nito ang mga parokya at mga lokal na pamahalaan dahil sa naging mapayapang pagdaraos ng tradisyunal na simbang gabi sa loob ng siyam na araw.
Bukod pa rito, ani Sinas, nagpapasalamat siya sa pakikiisa ng mga dumalo sa simbang gabi sa pinatutupad na health protocols kontra COVID-19.
Dahilan para umayos ang pagbabantay ng mga kawani ng pulisya.
Sa huli, iginiit ni Sinas na nananatiling naka-full alert ang buong pwersa ng kapulisan para mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa ngayong holiday season. — Ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)
Christmas Message of
POLICE GENERAL DEBOLD M SINAS
Chief, PNP
December 24, 2020On behalf of the 221,000 men and women…
Posted by Philippine National Police on Wednesday, 23 December 2020