Nagsimula na ang paggunita sa “virtual” na pahalik sa poong Nazareno.
Binuksan nila alas 12 ng tanghali, nitong Lunes ang online na simbahan kung saan pwedeng lumahok sa tradisyunal na “pahalik” ang mga deboto ng itim na Nazareno.
Pangalawang taon na itong ginagawa upang maipagpatuloy ang paglahok ng mga tao sa kabila ng banta ng COVID-19 para na rin maiwasan ang exposure o na maaaring maging sanhi ng hawaan.
Nasakto rin ang pagbubukas ng “Virtual Quiapo Church” sa pagaanunsyo ng gobyerno na isasailalim muli ang buong Metro Manila sa alert level 3 matapos magtala ang Department of Health (DOH) ng 20 percent na COVID-19 positivity rate nitong linggo. —sa panulat ni Mara Valle