Pangkalahatang naging mapayapa ang paggunita sa Semana Santa sa kabila ng ilang insidente na naitala.
Ayon kay Philippine National Police Chief, Dir. Gen. Ricardo Marquez, inabisuhan na niya ang lahat ng commanders na ipagpatuloy ang assessment sa sitwasyon sa kani-kanilang hurisdiksyon.
Aminado si Marquez na kahit tapos na ang holy week ay abala pa rin sila sa P.N.P. lalo’t nagsimula na rin ang campaign period sa local level.
Nananatili anya silang naka-heighetened alert dahil sa eleksyon partikular sa mga idineklarang areas of concern ng Commission on Elections.
Inihayag ni Marquez na inaasahan nilang mas magiging mainit ang kampanya sa lokal na lebel kumpara sa national level.
Dahil dito, hiniling na ng pnp sa poll body na magsagawa ng joint planning para sa mga miyembro ng joint security coordinating council upang matiyak na magiging mapayapa ang halalan.
By: Drew Nacino