Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa ang paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Batay sa pagtatayang ginawa ng PNP, wala silang naitalang major untoward incident mula Huwebes Santo hanggang Sabado De Gloria.
Gayunman, may ilang insidente ng pagkalunod at aksidente sa kalsada silang naitala.
Nagpasalamat naman ang hepe ng PNP sa lahat ng pulis na dumuty nitong Semana Santa.