Posibleng ulanin ang paggunita sa Todos Los Santos ng mga nasa Luzon at Visayas.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang eastern section ng Luzon at eastern Visayas simula ngayong araw na ito hanggang Martes, November 3.
Dahil na rin ito sa malakas na easterly winds at tail end ng cold front.
Asahan na naman ang mainit at maalinsangang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa.
Wala pa namang namomonitor ang PAGASA na sama ng panahon na maaaring pumasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility.
By Judith Larino